15Sinabi ni Manoa sa anghel ng Panginoon, “Huwag po muna kayong umalis dahil magkakatay kami ng batang kambing para sa inyo.”
16Sumagot ang anghel ng Panginoon, “Kahit hindi ako umalis, hindi ko kakainin ang pagkaing inihanda mo. Mabuti pa kung maghahanda ka ng handog na sinusunog para sa Panginoon.” (Hindi alam ni Manoa na anghel pala iyon ng Panginoon.)
17Nagtanong si Manoa sa anghel ng Panginoon, “Ano po ang pangalan nʼyo, upang maparangalan po namin kayo sa oras na matupad ang sinabi nʼyo?”
18Sumagot ang anghel ng Panginoon, “Bakit gusto mong malaman ang pangalan ko? Masyado itong kamangha-mangha para maunawaan mo.”
19Pagkatapos, kumuha si Manoa ng batang kambing at inihandog niya bilang pagpaparangal sa Panginoon, at inilagay niya ito sa ibabaw ng altar na bato para sa Panginoon. Gumawa ang Panginoon ng kamangha-manghang bagay Habang nakatitig si Manoa at ang asawa niya.