Mga Hukom 13

Pagkatapos, kumuha si Manoa ng batang kambing at inihandog niya bilang pagpaparangal sa Panginoon, at inilagay niya ito sa ibabaw ng altar na bato para sa Panginoon. Gumawa ang Panginoon ng kamangha-manghang bagay Habang nakatitig si Manoa at ang asawa niya.

Judges 13:19 (UKJV) So Manoah took a kid with a food offering, and offered it upon a rock unto the LORD: and the angel did wondrously; and Manoah and his wife looked on.

17Nagtanong si Manoa sa anghel ng Panginoon, “Ano po ang pangalan nʼyo, upang maparangalan po namin kayo sa oras na matupad ang sinabi nʼyo?”

18Sumagot ang anghel ng Panginoon, “Bakit gusto mong malaman ang pangalan ko? Masyado itong kamangha-mangha para maunawaan mo.”

19Pagkatapos, kumuha si Manoa ng batang kambing at inihandog niya bilang pagpaparangal sa Panginoon, at inilagay niya ito sa ibabaw ng altar na bato para sa Panginoon. Gumawa ang Panginoon ng kamangha-manghang bagay Habang nakatitig si Manoa at ang asawa niya.

20Nakita nila ang anghel ng Panginoon na pumaitaas sa langit kasama ng naglalagablab na apoy. Dahil sa nakita nila, lumuhod sila at nagpatirapa sila sa lupa.

21Hindi na muling nagpakita ang anghel ng Panginoon sa kanila. Doon napagtanto ni Manoa na anghel ng Panginoon pala iyon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.