18Sumagot ang anghel ng Panginoon, “Bakit gusto mong malaman ang pangalan ko? Masyado itong kamangha-mangha para maunawaan mo.”
19Pagkatapos, kumuha si Manoa ng batang kambing at inihandog niya bilang pagpaparangal sa Panginoon, at inilagay niya ito sa ibabaw ng altar na bato para sa Panginoon. Gumawa ang Panginoon ng kamangha-manghang bagay Habang nakatitig si Manoa at ang asawa niya.
20Nakita nila ang anghel ng Panginoon na pumaitaas sa langit kasama ng naglalagablab na apoy. Dahil sa nakita nila, lumuhod sila at nagpatirapa sila sa lupa.
21Hindi na muling nagpakita ang anghel ng Panginoon sa kanila. Doon napagtanto ni Manoa na anghel ng Panginoon pala iyon.
22Sinabi ni Manoa sa kanyang asawa, “Tiyak na mamamatay tayo dahil nakita natin ang Diyos.”