Mga Hukom 15

Kaya pinalabas ng Diyos ang tubig sa may butas ng lupa sa Lehi. Uminom si Samson at bumalik ang kanyang lakas. Ang bukal na itoʼy tinatawag na En-hakore. Naroon pa ito sa Lehi hanggang ngayon.

Judges 15:19 (UKJV) But God clave an hollow place that was in the jaw, and there came water from it; and when he had drunk, his spirit came again, and he revived: wherefore he called the name thereof Enhakkore, which is in Lehi unto this day.

17Pagkatapos niyang magsalita, itinapon niya ang panga ng asno. Ang lugar na iyon ay tinawag na Ramat-lehi.

18Labis ang pagkauhaw ni Samson, kaya tinawag niya ang Panginoon. Sinabi niya, “Pinagtagumpay nʼyo po ang inyong lingkod. Ngunit ngayon, mamamatay na lang ba ako sa uhaw at mabibihag ng mga hindi tuling ito?”

19Kaya pinalabas ng Diyos ang tubig sa may butas ng lupa sa Lehi. Uminom si Samson at bumalik ang kanyang lakas. Ang bukal na itoʼy tinatawag na En-hakore. Naroon pa ito sa Lehi hanggang ngayon.

20Pinamunuan ni Samson ang mga Israelita sa loob ng dalawampung taon. Nang panahong iyon, sakop pa rin ng mga Filisteo ang kanilang lupain.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.