16Sinabi ni Samson, “Sa pamamagitan ng panga ng asno, pinatay ko ang isang libong tao. Sa pamamagitan ng panga ng asno, nakabunton ang sanlibong tao.”
17Pagkatapos niyang magsalita, itinapon niya ang panga ng asno. Ang lugar na iyon ay tinawag na Ramat-lehi.
18Labis ang pagkauhaw ni Samson, kaya tinawag niya ang Panginoon. Sinabi niya, “Pinagtagumpay nʼyo po ang inyong lingkod. Ngunit ngayon, mamamatay na lang ba ako sa uhaw at mabibihag ng mga hindi tuling ito?”
19Kaya pinalabas ng Diyos ang tubig sa may butas ng lupa sa Lehi. Uminom si Samson at bumalik ang kanyang lakas. Ang bukal na itoʼy tinatawag na En-hakore. Naroon pa ito sa Lehi hanggang ngayon.
20Pinamunuan ni Samson ang mga Israelita sa loob ng dalawampung taon. Nang panahong iyon, sakop pa rin ng mga Filisteo ang kanilang lupain.