Mga Hukom 15

Sinabi ni Samson, “Sa pamamagitan ng panga ng asno, pinatay ko ang isang libong tao. Sa pamamagitan ng panga ng asno, nakabunton ang sanlibong tao.”

Judges 15:16 (UKJV) And Samson said, With the jawbone of an ass, heaps upon heaps, with the jaw of an ass have I slain a thousand men.

14Pagdating nila sa Lehi, sinalubong sila ng mga Filisteo na sumisigaw sa pagtatagumpay. Pinalakas ng kapangyarihan ng Espiritu ng Panginoon si Samson, at pinagputol-putol niya ang lubid na parang sinulid na gawa sa halamang ginagawang telang lino lang.

15Pagkatapos, may nakita siyang panga ng asnong kamamatay pa lang. Kinuha niya ito at ginamit sa pagpatay sa isang libong Filisteo.

16Sinabi ni Samson, “Sa pamamagitan ng panga ng asno, pinatay ko ang isang libong tao. Sa pamamagitan ng panga ng asno, nakabunton ang sanlibong tao.”

17Pagkatapos niyang magsalita, itinapon niya ang panga ng asno. Ang lugar na iyon ay tinawag na Ramat-lehi.

18Labis ang pagkauhaw ni Samson, kaya tinawag niya ang Panginoon. Sinabi niya, “Pinagtagumpay nʼyo po ang inyong lingkod. Ngunit ngayon, mamamatay na lang ba ako sa uhaw at mabibihag ng mga hindi tuling ito?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.