12Sinabi nila, “Pumunta kami rito upang dakpin ka at ibigay sa mga Filisteo.” Sumagot si Samson, “Payag ako, basta mangako kayo sa akin na hindi nʼyo ako papatayin.”
13Sinabi nila, “Oo, hindi ka namin papatayin. Gagapusin ka lang namin at ibibigay sa kanila.” Kaya iginapos nila siya ng dalawang bagong lubid at dinala palabas sa kuweba.
14Pagdating nila sa Lehi, sinalubong sila ng mga Filisteo na sumisigaw sa pagtatagumpay. Pinalakas ng kapangyarihan ng Espiritu ng Panginoon si Samson, at pinagputol-putol niya ang lubid na parang sinulid na gawa sa halamang ginagawang telang lino lang.
15Pagkatapos, may nakita siyang panga ng asnong kamamatay pa lang. Kinuha niya ito at ginamit sa pagpatay sa isang libong Filisteo.
16Sinabi ni Samson, “Sa pamamagitan ng panga ng asno, pinatay ko ang isang libong tao. Sa pamamagitan ng panga ng asno, nakabunton ang sanlibong tao.”