Mga Hukom 16

Isang araw, pumunta si Samson sa Gaza. May nakita siya roon na isang babaeng bayaran at nakipagsiping siya kanya.

Judges 16:1 (UKJV) Then went Samson to Gaza, and saw there an harlot, and went in unto her.

1Isang araw, pumunta si Samson sa Gaza. May nakita siya roon na isang babaeng bayaran at nakipagsiping siya kanya.

2Nalaman ng mga taga-Gaza na naroon si Samson, kaya pinalibutan nila ang lungsod at magdamag na binantayan ang pintuan ng lungsod. Hindi sila lumusob nang gabing iyon. Nagpasya sila na papatayin nila si Samson nang madaling-araw.

3Ngunit hanggang hatinggabi lang na natulog si Samson doon. Bumangon siya at pumunta sa may pintuan ng lungsod. Hinawakan niya ang pintuan at binunot, at natanggal ito pati ang mga kandado at haligi nito. Pagkatapos, pinasan niya ito at dinala sa tuktok ng bundok na nakaharap sa Hebron.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.