10Sinabi ni Delaila kay Samson, “Niloko mo lang ako; nagsinungaling ka sa akin. Sige na, ipagtapat mo sa akin kung paano ka maigagapos.”
11Sinabi ni Samson, “Kapag naigapos ako ng bagong lubid na hindi pa nagagamit, magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.”
12Kaya kumuha si Delaila ng bagong lubid na hindi pa nagagamit at iginapos niya si Samson. May ilang mga Filisteo na nakatago noon sa kabilang kuwarto. Pagkatapos, sumigaw si Delaila, “Samson, nandito na ang mga Filisteo!” Ngunit nilagot ni Samson ang tali sa kanyang braso na parang sinulid lang.
13Kaya sinabing muli ni Delaila kay Samson, “Hanggang ngayon, niloloko mo pa rin ako at nagsisinungaling ka. Sige na, ipagtapat mo na kung paano ka maigagapos.” Sinabi ni Samson, “Kung itatali mo ang pitong tirintas ng buhok ko sa habihan at higpitan mo ng pang-ipit, magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.” Kaya habang nakatulog si Samson, itinali ni Delaila ang pitong tirintas ng buhok niya sa habihan,
14at hinigpitan ito ng pang-ipit. Saka siya sumigaw ulit, “Samson, nandito na ang mga Filisteo!” Nagising si Samson at agad niyang binunot ang pang-ipit kasama ang habihan.