Mga Hukom 16

Kaya sinabing muli ni Delaila kay Samson, “Hanggang ngayon, niloloko mo pa rin ako at nagsisinungaling ka. Sige na, ipagtapat mo na kung paano ka maigagapos.” Sinabi ni Samson, “Kung itatali mo ang pitong tirintas ng buhok ko sa habihan at higpitan mo ng pang-ipit, magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.” Kaya habang nakatulog si Samson, itinali ni Delaila ang pitong tirintas ng buhok niya sa habihan,

Judges 16:13 (UKJV) And Delilah said unto Samson, Until now you have mocked me, and told me lies: tell me wherewith you might be bound. And he said unto her, If you weave the seven locks of my head with the web.

11Sinabi ni Samson, “Kapag naigapos ako ng bagong lubid na hindi pa nagagamit, magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.”

12Kaya kumuha si Delaila ng bagong lubid na hindi pa nagagamit at iginapos niya si Samson. May ilang mga Filisteo na nakatago noon sa kabilang kuwarto. Pagkatapos, sumigaw si Delaila, “Samson, nandito na ang mga Filisteo!” Ngunit nilagot ni Samson ang tali sa kanyang braso na parang sinulid lang.

13Kaya sinabing muli ni Delaila kay Samson, “Hanggang ngayon, niloloko mo pa rin ako at nagsisinungaling ka. Sige na, ipagtapat mo na kung paano ka maigagapos.” Sinabi ni Samson, “Kung itatali mo ang pitong tirintas ng buhok ko sa habihan at higpitan mo ng pang-ipit, magiging katulad na lang ng karaniwang tao ang lakas ko.” Kaya habang nakatulog si Samson, itinali ni Delaila ang pitong tirintas ng buhok niya sa habihan,

14at hinigpitan ito ng pang-ipit. Saka siya sumigaw ulit, “Samson, nandito na ang mga Filisteo!” Nagising si Samson at agad niyang binunot ang pang-ipit kasama ang habihan.

15Kaya sinabi ni Delaila sa kanya, “Sabi mo mahal mo ako, pero hindi mo ako pinagkakatiwalaan. Tatlong beses mo na akong niloko. Hindi mo talaga ipinagtapat sa akin kung saan nanggagaling ang lakas mo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.