Mga Hukom 17

Sinabi ni Micas, “Sa akin ka na lang tumira. Gagawin kitang tagapayo ko at pari. At bawat taon, bibigyan kita ng sampung pirasong pilak, bukod pa sa mga damit at pagkain.”

Judges 17:10 (UKJV) And Micah said unto him, Dwell with me, and be unto me a father and a priest, and I will give you ten shekels of silver by the year, and a suit of apparel, and your victuals. So the Levite went in.

8Isang araw, umalis siya upang maghanap ng matitirhan sa ibang lugar. Sa kanyang pag-alis, napadaan siya sa bahay ni Micas sa kaburulan ng Efraim.

9Tinanong siya ni Micas, “Taga-saan ka?” Sumagot siya, “Taga-Bethlehem po ako, na sakop ng Juda, at isa po akong Levita. Naghahanap po ako ng matitirhan.”

10Sinabi ni Micas, “Sa akin ka na lang tumira. Gagawin kitang tagapayo ko at pari. At bawat taon, bibigyan kita ng sampung pirasong pilak, bukod pa sa mga damit at pagkain.”

11Kaya pumayag ang Levita na makitira sa kanya, at ang binata ay itinuring niyang isa sa kanyang mga anak.

12Ginawa siyang pari ni Micas at doon pinatira sa kanyang bahay.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.