Mga Hukom 17

Tinanong siya ni Micas, “Taga-saan ka?” Sumagot siya, “Taga-Bethlehem po ako, na sakop ng Juda, at isa po akong Levita. Naghahanap po ako ng matitirhan.”

Judges 17:9 (UKJV) And Micah said unto him, Whence come you? And he said unto him, I am a Levite of Bethlehemjudah, and I go to sojourn where I may find a place.

7May isang binatilyong Levita mula sa Bethlehem na sakop ng Juda. Siya ay nakikitira sa lahi ni Juda.

8Isang araw, umalis siya upang maghanap ng matitirhan sa ibang lugar. Sa kanyang pag-alis, napadaan siya sa bahay ni Micas sa kaburulan ng Efraim.

9Tinanong siya ni Micas, “Taga-saan ka?” Sumagot siya, “Taga-Bethlehem po ako, na sakop ng Juda, at isa po akong Levita. Naghahanap po ako ng matitirhan.”

10Sinabi ni Micas, “Sa akin ka na lang tumira. Gagawin kitang tagapayo ko at pari. At bawat taon, bibigyan kita ng sampung pirasong pilak, bukod pa sa mga damit at pagkain.”

11Kaya pumayag ang Levita na makitira sa kanya, at ang binata ay itinuring niyang isa sa kanyang mga anak.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.