5May sariling sambahan si Micas at nagpagawa siya ng efod at mga diyos-diyosan. At ginawa niyang pari ang isa sa mga anak niyang lalaki.
6Nang panahong iyon, walang hari sa Israel, kaya ang bawat isa ay gumagawa ng kahit anong gusto nilang gawin.
7May isang binatilyong Levita mula sa Bethlehem na sakop ng Juda. Siya ay nakikitira sa lahi ni Juda.
8Isang araw, umalis siya upang maghanap ng matitirhan sa ibang lugar. Sa kanyang pag-alis, napadaan siya sa bahay ni Micas sa kaburulan ng Efraim.
9Tinanong siya ni Micas, “Taga-saan ka?” Sumagot siya, “Taga-Bethlehem po ako, na sakop ng Juda, at isa po akong Levita. Naghahanap po ako ng matitirhan.”