Mga Hukom 18

Kapag pumunta kayo doon, matatagpuan ninyo ang mga taong walang pag-aalinlangan. Malawak ang kanilang lupain at hindi nagkukulang ng anumang bagay. Ibibigay iyon ng Diyos sa atin.”

Judges 18:10 (UKJV) When all of you go, all of you shall come unto a people secure, and to a large land: for God has given it into your hands; a place where there is no lack of any thing that is in the earth.

8Nang bumalik ang limang lalaki sa Zora at Estaol, tinanong sila ng kanilang mga kababayan, “Ano ang nakita ninyo doon?”

9Sinabi nila, “Tayo na, lusubin na natin sila! Sapagkat nakita namin ang lupain at napakainam nito. Ano pang hinihintay natin? Bilisan natin at sakupin na natin ito!

10Kapag pumunta kayo doon, matatagpuan ninyo ang mga taong walang pag-aalinlangan. Malawak ang kanilang lupain at hindi nagkukulang ng anumang bagay. Ibibigay iyon ng Diyos sa atin.”

11Kaya mula sa Zora at Estaol, umalis ang animnaraang armadong lalaki mula sa lahi ni Dan upang makipaglaban.

12Nagkampo sila sa gawing kanluran ng lungsod ng Kiriat-jearim sa Juda. (Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon, ang lugar na iyon ay tinatawag na Mahane Dan.)

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.