Mga Hukom 18

Nagkampo sila sa gawing kanluran ng lungsod ng Kiriat-jearim sa Juda. (Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon, ang lugar na iyon ay tinatawag na Mahane Dan.)

Judges 18:12 (UKJV) And they went up, and pitched in Kirjathjearim, in Judah: wherefore they called that place Mahanehdan unto this day: behold, it is behind Kirjathjearim.

10Kapag pumunta kayo doon, matatagpuan ninyo ang mga taong walang pag-aalinlangan. Malawak ang kanilang lupain at hindi nagkukulang ng anumang bagay. Ibibigay iyon ng Diyos sa atin.”

11Kaya mula sa Zora at Estaol, umalis ang animnaraang armadong lalaki mula sa lahi ni Dan upang makipaglaban.

12Nagkampo sila sa gawing kanluran ng lungsod ng Kiriat-jearim sa Juda. (Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon, ang lugar na iyon ay tinatawag na Mahane Dan.)

13Mula roon, nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang sa nakarating sila sa bahay ni Micas, sa kaburulan ng Efraim.

14Pagkatapos, sinabi sa kanila ng limang lalaking nagmanman sa Lais, “Alam nʼyo ba na ang isa sa mga bahay dito ay may efod, may diyos-diyosan na nababalutan ng pilak, at iba pang diyos-diyosan? Kaya alam nʼyo na kung ano ang dapat gawin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.