Mga Hukom 18

Pagkatapos, sinabi sa kanila ng limang lalaking nagmanman sa Lais, “Alam nʼyo ba na ang isa sa mga bahay dito ay may efod, may diyos-diyosan na nababalutan ng pilak, at iba pang diyos-diyosan? Kaya alam nʼyo na kung ano ang dapat gawin.”

Judges 18:14 (UKJV) Then answered the five men that went to spy out the country of Laish, and said unto their brethren, Do all of you know that there is in these houses an ephod, and teraphim, and a graven image, and a molten image? now therefore consider what all of you have to do.

12Nagkampo sila sa gawing kanluran ng lungsod ng Kiriat-jearim sa Juda. (Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon, ang lugar na iyon ay tinatawag na Mahane Dan.)

13Mula roon, nagpatuloy sila sa paglalakbay hanggang sa nakarating sila sa bahay ni Micas, sa kaburulan ng Efraim.

14Pagkatapos, sinabi sa kanila ng limang lalaking nagmanman sa Lais, “Alam nʼyo ba na ang isa sa mga bahay dito ay may efod, may diyos-diyosan na nababalutan ng pilak, at iba pang diyos-diyosan? Kaya alam nʼyo na kung ano ang dapat gawin.”

15Lumiko sila papunta sa bahay ni Micas at kinumusta ang binatilyong Levita na nakatira roon.

16Samantala, ang animnaraang armadong lalaki mula sa lahi ni Dan ay nakatayo sa may pintuan ng lungsod.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.