Mga Hukom 18

Kaya nagpatuloy ang limang lalaki at nakarating sila sa Lais. Nakita nila na namumuhay ang mga tao roon nang matiwasay, tulad ng mga Sidoneo. Mapayapa ang lugar at panatag ang loob ng mga tao. Hindi nagkukulang ang kanilang lupain ng anumang bagay kaya mayayaman sila. Malayo rin sila sa mga Sidoneo at walang ugnayan sa ibang tao.

Judges 18:7 (UKJV) Then the five men departed, and came to Laish, and saw the people that were therein, how they dwelt careless, after the manner of the Zidonians, quiet and secure; and there was no magistrate in the land, that might put them to shame in any thing; and they were far from the Zidonians, and had no business with any man.

5Sumagot ang mga lalaki, “Kung ganoon, pakitanong mo naman sa Diyos kung magiging matagumpay ang paglalakbay naming ito.”

6Sumagot ang pari, “Huwag kayong mag-alala. Sasamahan kayo ng Panginoon sa paglalakbay ninyo.”

7Kaya nagpatuloy ang limang lalaki at nakarating sila sa Lais. Nakita nila na namumuhay ang mga tao roon nang matiwasay, tulad ng mga Sidoneo. Mapayapa ang lugar at panatag ang loob ng mga tao. Hindi nagkukulang ang kanilang lupain ng anumang bagay kaya mayayaman sila. Malayo rin sila sa mga Sidoneo at walang ugnayan sa ibang tao.

8Nang bumalik ang limang lalaki sa Zora at Estaol, tinanong sila ng kanilang mga kababayan, “Ano ang nakita ninyo doon?”

9Sinabi nila, “Tayo na, lusubin na natin sila! Sapagkat nakita namin ang lupain at napakainam nito. Ano pang hinihintay natin? Bilisan natin at sakupin na natin ito!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.