3Habang naroon sila, nalaman nilang hindi tagaroon ang binatilyong Levita dahil sa pagsasalita nito. Kaya tinanong nila ito, “Bakit narito ka? Sino ang nagdala sa iyo rito? At ano ang ginagawa mo rito?”
4Ipinaalam niya sa kanila ang ginawa ni Micas sa kanya, sinabi niya, “Nagtatrabaho ako bilang pari ni Micas at siya ang nagpapasahod sa akin.”
5Sumagot ang mga lalaki, “Kung ganoon, pakitanong mo naman sa Diyos kung magiging matagumpay ang paglalakbay naming ito.”
6Sumagot ang pari, “Huwag kayong mag-alala. Sasamahan kayo ng Panginoon sa paglalakbay ninyo.”
7Kaya nagpatuloy ang limang lalaki at nakarating sila sa Lais. Nakita nila na namumuhay ang mga tao roon nang matiwasay, tulad ng mga Sidoneo. Mapayapa ang lugar at panatag ang loob ng mga tao. Hindi nagkukulang ang kanilang lupain ng anumang bagay kaya mayayaman sila. Malayo rin sila sa mga Sidoneo at walang ugnayan sa ibang tao.