Mga Hukom 18

Ipinaalam niya sa kanila ang ginawa ni Micas sa kanya, sinabi niya, “Nagtatrabaho ako bilang pari ni Micas at siya ang nagpapasahod sa akin.”

Judges 18:4 (UKJV) And he said unto them, Thus and thus deals Micah with me, and has hired me, and I am his priest.

2Kaya nagsugo ang lahi ni Dan ng limang matatapang na lalaki sa lahi nila upang manmanan at siyasatin ang lupain. Ang limang lalaki ito ay nagmula sa mga bayan ng Zora at Estaol. Nang umalis na sila upang maghanap ng lugar, nakarating sila sa bahay ni Micas sa kaburulan ng Efraim, at doon sila natulog.

3Habang naroon sila, nalaman nilang hindi tagaroon ang binatilyong Levita dahil sa pagsasalita nito. Kaya tinanong nila ito, “Bakit narito ka? Sino ang nagdala sa iyo rito? At ano ang ginagawa mo rito?”

4Ipinaalam niya sa kanila ang ginawa ni Micas sa kanya, sinabi niya, “Nagtatrabaho ako bilang pari ni Micas at siya ang nagpapasahod sa akin.”

5Sumagot ang mga lalaki, “Kung ganoon, pakitanong mo naman sa Diyos kung magiging matagumpay ang paglalakbay naming ito.”

6Sumagot ang pari, “Huwag kayong mag-alala. Sasamahan kayo ng Panginoon sa paglalakbay ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.