1Nang mga panahong iyon, walang hari ang Israel. At sa panahon ding iyon, ang lahi ni Dan ay naghahanap ng lugar na matitirhan at magiging sa kanila. Sapagkat sa mga lahi ng Israel, ang lahi ni Dan ang hindi pa nakakatanggap ng lupaing ipinamana sa kanila.
2Kaya nagsugo ang lahi ni Dan ng limang matatapang na lalaki sa lahi nila upang manmanan at siyasatin ang lupain. Ang limang lalaki ito ay nagmula sa mga bayan ng Zora at Estaol. Nang umalis na sila upang maghanap ng lugar, nakarating sila sa bahay ni Micas sa kaburulan ng Efraim, at doon sila natulog.
3Habang naroon sila, nalaman nilang hindi tagaroon ang binatilyong Levita dahil sa pagsasalita nito. Kaya tinanong nila ito, “Bakit narito ka? Sino ang nagdala sa iyo rito? At ano ang ginagawa mo rito?”
4Ipinaalam niya sa kanila ang ginawa ni Micas sa kanya, sinabi niya, “Nagtatrabaho ako bilang pari ni Micas at siya ang nagpapasahod sa akin.”