Mga Hukom 18

Nang mga panahong iyon, walang hari ang Israel. At sa panahon ding iyon, ang lahi ni Dan ay naghahanap ng lugar na matitirhan at magiging sa kanila. Sapagkat sa mga lahi ng Israel, ang lahi ni Dan ang hindi pa nakakatanggap ng lupaing ipinamana sa kanila.

Judges 18:1 (UKJV) In those days there was no king in Israel: and in those days the tribe of the Danites sought them an inheritance to dwell in; for unto that day all their inheritance had not fallen unto them among the tribes of Israel.

1Nang mga panahong iyon, walang hari ang Israel. At sa panahon ding iyon, ang lahi ni Dan ay naghahanap ng lugar na matitirhan at magiging sa kanila. Sapagkat sa mga lahi ng Israel, ang lahi ni Dan ang hindi pa nakakatanggap ng lupaing ipinamana sa kanila.

2Kaya nagsugo ang lahi ni Dan ng limang matatapang na lalaki sa lahi nila upang manmanan at siyasatin ang lupain. Ang limang lalaki ito ay nagmula sa mga bayan ng Zora at Estaol. Nang umalis na sila upang maghanap ng lugar, nakarating sila sa bahay ni Micas sa kaburulan ng Efraim, at doon sila natulog.

3Habang naroon sila, nalaman nilang hindi tagaroon ang binatilyong Levita dahil sa pagsasalita nito. Kaya tinanong nila ito, “Bakit narito ka? Sino ang nagdala sa iyo rito? At ano ang ginagawa mo rito?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.