Mga Hukom 19

Ngunit ang babaeng ito ay nagtaksil sa kanyang asawa at umuwi sa bahay ng kanyang magulang sa Bethlehem. Pagkalipas ng apat na buwan,

Judges 19:2 (UKJV) And his concubine played the whore against him, and went away from him unto her father's house to Bethlehemjudah, and was there four whole months.

1Sa mga panahong iyon, wala pang hari ang Israel. Nooʼy may isang Levita na nakatira sa malayong bahagi ng kaburulan ng Efraim. Ang Levitang ito ay nakapag-asawa ng isang alipin na taga-Bethlehem sa Juda.

2Ngunit ang babaeng ito ay nagtaksil sa kanyang asawa at umuwi sa bahay ng kanyang magulang sa Bethlehem. Pagkalipas ng apat na buwan,

3nagdesisyon ang Levita na sunduin ang asawa niya at kumbinsihing magsama silang muli. Kaya umalis siya kasama ang isa niyang utusan at dalawang asno. Pagdating niya roon, pinatuloy siya ng babae. Nang makita siya ng ama ng babae, malugod siyang tinanggap.

4Pinilit siya ng biyenan niyang lalaki na manatili roon. Kaya nanatili siya sa loob ng tatlong araw na doon kumakain, umiinom at natutulog.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.