Mga Hukom 2

Pumunta ang anghel ng Panginoon sa Boquim mula sa Gilgal. At sinabi niya sa mga Israelita ang ipinasasabi ng Panginoon, “Inilabas ko kayo sa Ehipto at dinala dito sa lupain na ipinangako ko sa inyong mga ninuno. Sinabi ko noon na hindi ko sisirain ang kasunduan ko sa inyo.

Judges 2:1 (UKJV) And an angel of the LORD came up from Gilgal to Bochim, and said, I made you to go up out of Egypt, and have brought you unto the land which I swore unto your fathers; and I said, I will never break my covenant with you.

1Pumunta ang anghel ng Panginoon sa Boquim mula sa Gilgal. At sinabi niya sa mga Israelita ang ipinasasabi ng Panginoon, “Inilabas ko kayo sa Ehipto at dinala dito sa lupain na ipinangako ko sa inyong mga ninuno. Sinabi ko noon na hindi ko sisirain ang kasunduan ko sa inyo.

2Sinabi ko rin na huwag kayong gagawa ng kasunduan sa mga tao sa lupaing ito, sa halip ay gibain nʼyo ang kanilang mga altar. Ngunit ano ang ginawa ninyo? Hindi nʼyo ako sinunod!

3Kaya ngayon, hindi ko sila itataboy sa lupain ninyo. Magiging tinik sila sa daraanan ninyo at ang mga diyos nila ay magiging bitag sa inyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.