34Hindi naman pinahintulutan ng mga Amoreo na tumira sa kapatagan ang mga lahi ni Dan, kaya nanatili na lamang sila sa kaburulan.
35Determinado ang mga Amoreo na manatili sa Bundok ng Heres, Ayalon at Saalbim. Ngunit nang lumakas ang kapangyarihan ng mga angkan ni Jose, pinilit nila ang mga Amoreo na magtrabaho para sa kanila.
36Ang hangganan ng lupain ng mga Amoreo ay mula sa Daang Paakyat ng Akrabim hanggang Sela, at paakyat pa.