12Itinakwil nila ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno, na siyang naglabas sa kanila sa Ehipto. Sinunod nila at sinamba ang ibaʼt ibang diyos ng mga tao sa paligid nila. Nagalit ang Panginoon,
13dahil itinakwil siya ng mga ito at naglingkod sila kay Baal at sa mga imahen ni Astoret.
14Dahil sa galit ng Panginoon sa Israel, pinabayaan niyang lusubin sila ng mga tulisan upang samsamin ang kanilang mga ari-arian. Pinabayaan din sila ng Panginoon na matalo ng mga kaaway sa paligid nila hanggang hindi na nila makayanang ipagtanggol ang kanilang sarili.
15Tuwing nakikipaglaban sila, pinapatalo sila ng Panginoon, tulad ng sinabi niya. Kaya labis silang nahirapan.
16Ngayon, binigyan ng Panginoon ang Israel ng mga hukom na magliligtas sa kanila mula sa mga tulisan.