Mga Hukom 2

Tinutulungan ng Panginoon ang lahat ng hukom na isinusugo niya. At habang nabubuhay ang hukom nila, inililigtas sila ng Panginoon sa kanilang mga kaaway. Sapagkat naaawa siya sa kanila dahil sa mga pagtitiis nila sa mga nanggigipit at nagpapahirap sa kanila.

Judges 2:18 (UKJV) And when the LORD raised them up judges, then the LORD was with the judge, and delivered them out of the hand of their enemies all the days of the judge: for it repented the LORD because of their groanings by reason of them that oppressed them and vexed them.

16Ngayon, binigyan ng Panginoon ang Israel ng mga hukom na magliligtas sa kanila mula sa mga tulisan.

17Ngunit hindi nila pinakinggan ang kanilang mga hukom. Sa halip, tumalikod sila sa Panginoon at sumamba sa ibang mga diyos. Hindi sila katulad ng kanilang mga ninuno. Napakadali nilang tumalikod sa mga utos ng Diyos na sinunod noon ng kanilang mga ninuno.

18Tinutulungan ng Panginoon ang lahat ng hukom na isinusugo niya. At habang nabubuhay ang hukom nila, inililigtas sila ng Panginoon sa kanilang mga kaaway. Sapagkat naaawa siya sa kanila dahil sa mga pagtitiis nila sa mga nanggigipit at nagpapahirap sa kanila.

19Ngunit kapag namatay na ang hukom, bumabalik na naman sila sa masasama nilang gawa. Muli silang naglilingkod at sumasamba sa ibang mga diyos nang mas masahol pa sa pagkakasala ng kanilang mga ninuno. Ayaw nilang talikuran ang masasamang gawain nila at ang katigasan ng kanilang mga ulo.

20Kaya lalo pang nagalit ang Panginoon sa kanila. Sinabi ng Panginoon, “Dahil nilabag ng bansang ito ang aking kasunduan sa kanilang mga ninuno, at hindi nila ako sinunod,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.