Mga Hukom 2

Ngunit hindi nila pinakinggan ang kanilang mga hukom. Sa halip, tumalikod sila sa Panginoon at sumamba sa ibang mga diyos. Hindi sila katulad ng kanilang mga ninuno. Napakadali nilang tumalikod sa mga utos ng Diyos na sinunod noon ng kanilang mga ninuno.

Judges 2:17 (UKJV) And yet they would not hearken unto their judges, but they went a whoring after other gods, and bowed themselves unto them: they turned quickly out of the way which their fathers walked in, obeying the commandments of the LORD; but they did not so.

15Tuwing nakikipaglaban sila, pinapatalo sila ng Panginoon, tulad ng sinabi niya. Kaya labis silang nahirapan.

16Ngayon, binigyan ng Panginoon ang Israel ng mga hukom na magliligtas sa kanila mula sa mga tulisan.

17Ngunit hindi nila pinakinggan ang kanilang mga hukom. Sa halip, tumalikod sila sa Panginoon at sumamba sa ibang mga diyos. Hindi sila katulad ng kanilang mga ninuno. Napakadali nilang tumalikod sa mga utos ng Diyos na sinunod noon ng kanilang mga ninuno.

18Tinutulungan ng Panginoon ang lahat ng hukom na isinusugo niya. At habang nabubuhay ang hukom nila, inililigtas sila ng Panginoon sa kanilang mga kaaway. Sapagkat naaawa siya sa kanila dahil sa mga pagtitiis nila sa mga nanggigipit at nagpapahirap sa kanila.

19Ngunit kapag namatay na ang hukom, bumabalik na naman sila sa masasama nilang gawa. Muli silang naglilingkod at sumasamba sa ibang mga diyos nang mas masahol pa sa pagkakasala ng kanilang mga ninuno. Ayaw nilang talikuran ang masasamang gawain nila at ang katigasan ng kanilang mga ulo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.