2Sinabi ko rin na huwag kayong gagawa ng kasunduan sa mga tao sa lupaing ito, sa halip ay gibain nʼyo ang kanilang mga altar. Ngunit ano ang ginawa ninyo? Hindi nʼyo ako sinunod!
3Kaya ngayon, hindi ko sila itataboy sa lupain ninyo. Magiging tinik sila sa daraanan ninyo at ang mga diyos nila ay magiging bitag sa inyo.”
4Nang matapos sabihin ng anghel ng Panginoon ang lahat ng mga ito, humagulgol sila.
5Kaya tinawag nilang Boquim ang lugar na iyon. At naghandog sila doon sa Panginoon.
6Nang pinauwi na ni Josue ang mga Israelita, umalis ang bawat lahi upang angkinin ang lupaing nakalaan para sa kanila.