Mga Hukom 20

at ang namamahala rito ay si Finehas na anak ni Eleazar at apo ni Aaron.) Nagtanong muli ang mga Israelita sa Panginoon, “Muli po ba kaming makikipaglaban sa mga kadugo naming taga-Benjamin o hindi na po?” Sumagot ang Panginoon, “Muli kayong makipaglaban, dahil bukas ay pagtatagumpayin ko kayo laban sa kanila.”

Judges 20:28 (UKJV) And Phinehas, the son of Eleazar, the son of Aaron, stood before it in those days,) saying, Shall I yet again go out to battle against the children of Benjamin my brother, or shall I cease? And the LORD said, Go up; in order to morrow I will deliver them into yours hand.

26Kaya umahon muli ang lahat ng Israelita sa Betel at umiyak sa presensya ng Panginoon. Nag-ayuno sila hanggang gabi at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan.

27Ang mga Israelita ay sumasangguni sa Panginoon. (Nang panahong iyon, ang Kahon ng Kasunduan ng Diyos ay nasa Betel,

28at ang namamahala rito ay si Finehas na anak ni Eleazar at apo ni Aaron.) Nagtanong muli ang mga Israelita sa Panginoon, “Muli po ba kaming makikipaglaban sa mga kadugo naming taga-Benjamin o hindi na po?” Sumagot ang Panginoon, “Muli kayong makipaglaban, dahil bukas ay pagtatagumpayin ko kayo laban sa kanila.”

29Kaya pinaligiran ng mga Israelita ang Gibea.

30Pumwesto muli sila sa lugar ding iyon. Ikatlong araw ito ng kanilang paglusob.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.