27Ang mga Israelita ay sumasangguni sa Panginoon. (Nang panahong iyon, ang Kahon ng Kasunduan ng Diyos ay nasa Betel,
28at ang namamahala rito ay si Finehas na anak ni Eleazar at apo ni Aaron.) Nagtanong muli ang mga Israelita sa Panginoon, “Muli po ba kaming makikipaglaban sa mga kadugo naming taga-Benjamin o hindi na po?” Sumagot ang Panginoon, “Muli kayong makipaglaban, dahil bukas ay pagtatagumpayin ko kayo laban sa kanila.”
29Kaya pinaligiran ng mga Israelita ang Gibea.
30Pumwesto muli sila sa lugar ding iyon. Ikatlong araw ito ng kanilang paglusob.
31Muli silang sinalubong ng mga taga-Benjamin na lumalabas mula sa lungsod. At katulad ng nangyari sa mga nakaraang araw, may napatay silang mga Israelita. May tatlumpung Israelita ang namatay sa bukirin at sa mga daan papunta sa Betel at sa Gibea.