37At biglang lumusob ang mga taong nag-aabang sa Gibea at pinagpapatay ang lahat ng tao roon.
38Bago sila lumusob, nag-usap muna sila na kapag nakita ng mga tumatakas na mga Israelita ang makapal na usok sa Gibea,
39babalik sila sa pakikipaglaban. Ang mga taga-Benjamin noon ay nakapatay ng tatlumpung Israelita, kaya inaakala nilang nagtagumpay na naman sila sa mga Israelita.
40At nang pumaitaas na ang makapal na usok sa Gibea, lumingon ang mga taga-Benjamin, at nakita nila ang makapal na usok mula sa lungsod.
41Kaya bumalik ang mga Israelita at nilusob nila ang mga taga-Benjamin. Natakot ang mga taga-Benjamin dahil napansin nilang malapit na ang katapusan nila.