Mga Hukom 20

At nang pumaitaas na ang makapal na usok sa Gibea, lumingon ang mga taga-Benjamin, at nakita nila ang makapal na usok mula sa lungsod.

Judges 20:40 (UKJV) But when the flame began to arise up out of the city with a pillar of smoke, the Benjamites looked behind them, and, behold, the flame of the city ascended up to heaven.

38Bago sila lumusob, nag-usap muna sila na kapag nakita ng mga tumatakas na mga Israelita ang makapal na usok sa Gibea,

39babalik sila sa pakikipaglaban. Ang mga taga-Benjamin noon ay nakapatay ng tatlumpung Israelita, kaya inaakala nilang nagtagumpay na naman sila sa mga Israelita.

40At nang pumaitaas na ang makapal na usok sa Gibea, lumingon ang mga taga-Benjamin, at nakita nila ang makapal na usok mula sa lungsod.

41Kaya bumalik ang mga Israelita at nilusob nila ang mga taga-Benjamin. Natakot ang mga taga-Benjamin dahil napansin nilang malapit na ang katapusan nila.

42Kaya tumakas sila sa mga Israelita papunta sa ilang, ngunit hindi na nila natakasan ang labanan. At silaʼy nilipol doon ng mga Israelitang lumalabas sa mga bayan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.