Mga Hukom 20

Sinabi ng Levita na asawa ng babaeng pinatay, “Dumaan kami ng aking asawang alipin sa Gibea na sakop ng Benjamin upang doon magpalipas ng gabi.

Judges 20:4 (UKJV) And the Levite, the husband of the woman that was slain, answered and said, I came into Gibeah that belongs to Benjamin, I and my concubine, to lodge.

2Naroon din ang pinuno ng bawat lahi ng Israel nang magtipon ang mga mamamayan ng Diyos. May apatnaraang libo silang lahat na sundalong armado ng espada.

3Nabalitaan ng mga taga-Benjamin na ang ibang mga lahi ng Israel ay nagtipon sa Mizpa. At ngayon nagtatanong ang mga Israelita, “Paano nangyari ang kasamaang ito?”

4Sinabi ng Levita na asawa ng babaeng pinatay, “Dumaan kami ng aking asawang alipin sa Gibea na sakop ng Benjamin upang doon magpalipas ng gabi.

5Kinagabihan, pinaligiran ng ilang lalaking taga-Gibea ang bahay na tinutuluyan namin. Papatayin sana nila ako, pero ginahasa nila ang aking asawa hanggang sa namatay ito.

6Kaya dinala ko pauwi ang bangkay niya at pinagputol-putol at ipinadala sa labindalawang lahi ng Israel, dahil sa ginawa nila ang kakila-kilabot at kahiya-hiyang sa buong Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.