1Ang lahat ng Israelita mula Dan hanggang sa Beer-seba at mula sa Gilead ay nagtipon sa Mizpa, sa presensya ng Panginoon.
2Naroon din ang pinuno ng bawat lahi ng Israel nang magtipon ang mga mamamayan ng Diyos. May apatnaraang libo silang lahat na sundalong armado ng espada.
3Nabalitaan ng mga taga-Benjamin na ang ibang mga lahi ng Israel ay nagtipon sa Mizpa. At ngayon nagtatanong ang mga Israelita, “Paano nangyari ang kasamaang ito?”
4Sinabi ng Levita na asawa ng babaeng pinatay, “Dumaan kami ng aking asawang alipin sa Gibea na sakop ng Benjamin upang doon magpalipas ng gabi.