Mga Hukom 20

Ngunit may animnaraan pang taga-Benjamin ang nakatakas sa Bato ng Rimon, at doon sila nanatili sa loob ng apat na buwan

Judges 20:47 (UKJV) But six hundred men turned and fled to the wilderness unto the rock Rimmon, and abode in the rock Rimmon four months.

45Tumakas ang iba papunta sa ilang sa Bato ng Rimon, pero limang libo ang namatay sa kanila sa daan. Patuloy silang hinabol ng mga Israelita hanggang sa Gidom at nakapatay pa ang mga Israelita ng dalawang libo.

46Sa kabuuan, dalawampuʼt limang libong matatapang na taga-Benjamin ang namatay nang araw na iyon. Mga magagaling sila na sundalo at armado ng espada.

47Ngunit may animnaraan pang taga-Benjamin ang nakatakas sa Bato ng Rimon, at doon sila nanatili sa loob ng apat na buwan

48Pagkatapos, bumalik ang mga Israelita sa mga bayan ng Benjamin at pinatay nila ang mga natitirang buhay pa, pati ang mga hayop. At sinunog nila ang lahat ng mga bayan na madaanan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.