Mga Hukom 21

Kaya pumili ang mga nagtipong mamamayan ng labindalawang libong matatapang na sundalo, at pinapunta sa Jabes-gilead upang patayin lahat ang mga tagaroon, pati ang mga babae at bata.

Judges 21:10 (UKJV) And the congregation sent thither twelve thousand men of the valiant, and commanded them, saying, Go and strike the inhabitants of Jabeshgilead with the edge of the sword, with the women and the children.

8Nang nagtanong sila kung may lahi ng Israel na hindi nakasama nang nagtipon sila sa presensya ng Panginoon sa Mizpa, nalaman nilang hindi dumalo ang mga taga-Jabes-gilead.

9Sapagkat nang binilang ang mga tao, wala ni isa mang mga taga-Jabes-gilead ang nandoon.

10Kaya pumili ang mga nagtipong mamamayan ng labindalawang libong matatapang na sundalo, at pinapunta sa Jabes-gilead upang patayin lahat ang mga tagaroon, pati ang mga babae at bata.

11Sabi nila, “Ito ang gagawin ninyo. Patayin ninyo ang lahat, bata man o matanda, lalaki o babae maliban lang sa mga dalaga.”

12At doon, nakakita sila ng apatnaraang dalagang birhen at dinala nila ito sa kampo nila sa Silo na sakop ng Canaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.