Mga Hukom 21

Pagkatapos, nagsugo ang buong sambayanan ng mga mensahero sa mga lahi ni Benjamin na nagtatago sa Bato ng Rimon. Sinabi sa kanila ng mga mensahero na handa nang makipagkasundo sa kanila ang mga kapwa nila Israelita.

Judges 21:13 (UKJV) And the whole congregation sent some to speak to the children of Benjamin that were in the rock Rimmon, and to call peaceably unto them.

11Sabi nila, “Ito ang gagawin ninyo. Patayin ninyo ang lahat, bata man o matanda, lalaki o babae maliban lang sa mga dalaga.”

12At doon, nakakita sila ng apatnaraang dalagang birhen at dinala nila ito sa kampo nila sa Silo na sakop ng Canaan.

13Pagkatapos, nagsugo ang buong sambayanan ng mga mensahero sa mga lahi ni Benjamin na nagtatago sa Bato ng Rimon. Sinabi sa kanila ng mga mensahero na handa nang makipagkasundo sa kanila ang mga kapwa nila Israelita.

14Kaya umuwi ang mga lahi ni Benjamin at ibinigay sa kanila ng mga Israelita ang mga dalagang taga-Jabes-gilead. Ngunit kulang pa ang mga dalaga para sa kanila.

15Nalungkot ang mga Israelita sa nangyari sa mga lahi ni Benjamin dahil binawasan ng Panginoon ng isang lahi ang Israel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.