Mga Hukom 21

Kaya umuwi ang mga lahi ni Benjamin at ibinigay sa kanila ng mga Israelita ang mga dalagang taga-Jabes-gilead. Ngunit kulang pa ang mga dalaga para sa kanila.

Judges 21:14 (UKJV) And Benjamin came again at that time; and they gave them wives which they had saved alive of the women of Jabeshgilead: and yet so they sufficed them not.

12At doon, nakakita sila ng apatnaraang dalagang birhen at dinala nila ito sa kampo nila sa Silo na sakop ng Canaan.

13Pagkatapos, nagsugo ang buong sambayanan ng mga mensahero sa mga lahi ni Benjamin na nagtatago sa Bato ng Rimon. Sinabi sa kanila ng mga mensahero na handa nang makipagkasundo sa kanila ang mga kapwa nila Israelita.

14Kaya umuwi ang mga lahi ni Benjamin at ibinigay sa kanila ng mga Israelita ang mga dalagang taga-Jabes-gilead. Ngunit kulang pa ang mga dalaga para sa kanila.

15Nalungkot ang mga Israelita sa nangyari sa mga lahi ni Benjamin dahil binawasan ng Panginoon ng isang lahi ang Israel.

16Kaya nag-usap-usap ang mga tagapamahala sa mga mamamayan. Sinabi nila, “Wala nang natirang babae na lahi ni Benjamin. Ano ba ang gagawin natin upang makapag-asawa ang natira nilang mga lalaki?

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.