1Doon sa Mizpa, nangako ang mga Israelita na hindi na nila papayagang mag-asawa ang mga anak nilang babae ng mga taga-Benjamin.
2Pagkatapos, pumunta ang mga Israelita sa Betel at umiyak nang malakas sa presensya ng Diyos hanggang gabi.
3Sinabi nila, “O Panginoon, Diyos ng Israel, bakit po ba nangyari ito? Ngayon, nabawasan na ng isang lahi ang Israel!”
4Kinaumagahan, gumawa sila ng altar at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan.
5Pagkatapos, nagtanong sila, “May lahi ba ng Israel na hindi dumalo nang nagtipon tayo sa presensya ng Panginoon sa Mizpa?” Nang panahong iyon naipangako nila sa presensya ng Panginoon, na ang sinumang hindi dadalo roon ay papatayin.