Mga Hukom 21

Pagkatapos, pumunta ang mga Israelita sa Betel at umiyak nang malakas sa presensya ng Diyos hanggang gabi.

Judges 21:2 (UKJV) And the people came to the house of God, and abode there till even before God, and lifted up their voices, and wept sore;

1Doon sa Mizpa, nangako ang mga Israelita na hindi na nila papayagang mag-asawa ang mga anak nilang babae ng mga taga-Benjamin.

2Pagkatapos, pumunta ang mga Israelita sa Betel at umiyak nang malakas sa presensya ng Diyos hanggang gabi.

3Sinabi nila, “O Panginoon, Diyos ng Israel, bakit po ba nangyari ito? Ngayon, nabawasan na ng isang lahi ang Israel!”

4Kinaumagahan, gumawa sila ng altar at nag-alay ng mga handog na sinusunog at mga handog pangkapayapaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.