16Bago siya umalis, gumawa siya ng isang espada na magkabila ang talim na may kalahating metro ang haba. Itinali niya ito sa kanyang kanang hita sa ilalim ng kanyang damit.
17Nang naroon na siya, ibinigay niya ang buwis kay Haring Eglon na isang napakatabang tao.
18Nang maibigay ni Ehud ang buwis, pinauwi niya ang mga kasamahang nagdala nito.
19Ngunit nang makarating sila sa mga inukitang bato sa Gilgal, bumalik si Ehud at sinabi sa hari, “Mahal na Hari, may lihim na mensahe po akong sasabihin sa inyo.” Kaya sinabi ng hari sa mga utusan niya, “Iwan nʼyo muna kami.” At umalis ang lahat ng utusan niya.
20Pagkatapos, lumapit si Ehud sa haring mag-isang nakaupo sa malamig niyang kuwarto sa itaas. Sinabi ni Ehud, “May mensahe ako sa inyo mula sa Diyos.” Nang tumayo ang hari,