Mga Hukom 3

Ngunit nang makarating sila sa mga inukitang bato sa Gilgal, bumalik si Ehud at sinabi sa hari, “Mahal na Hari, may lihim na mensahe po akong sasabihin sa inyo.” Kaya sinabi ng hari sa mga utusan niya, “Iwan nʼyo muna kami.” At umalis ang lahat ng utusan niya.

Judges 3:19 (UKJV) But he himself turned again from the quarries that were by Gilgal, and said, I have a secret errand unto you, O king: who said, Keep silence. And all that stood by him went out from him.

17Nang naroon na siya, ibinigay niya ang buwis kay Haring Eglon na isang napakatabang tao.

18Nang maibigay ni Ehud ang buwis, pinauwi niya ang mga kasamahang nagdala nito.

19Ngunit nang makarating sila sa mga inukitang bato sa Gilgal, bumalik si Ehud at sinabi sa hari, “Mahal na Hari, may lihim na mensahe po akong sasabihin sa inyo.” Kaya sinabi ng hari sa mga utusan niya, “Iwan nʼyo muna kami.” At umalis ang lahat ng utusan niya.

20Pagkatapos, lumapit si Ehud sa haring mag-isang nakaupo sa malamig niyang kuwarto sa itaas. Sinabi ni Ehud, “May mensahe ako sa inyo mula sa Diyos.” Nang tumayo ang hari,

21binunot ni Ehud gamit ang kanyang kaliwang kamay ang espada sa kanyang kanang hita, at sinaksak sa tiyan ang hari.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.