Mga Hukom 3

Sinakop ng Israel ang Moab nang araw na iyon, at mula noon, naging mapayapa ang Israel sa loob ng walumpung taon.

Judges 3:30 (UKJV) So Moab was subdued that day under the hand of Israel. And the land had rest fourscore years.

28Sinabi niya sa kanila, “Sumunod kayo sa akin dahil pagtatagumpayin kayo ng Panginoon laban sa Moab na kalaban ninyo.” Kaya sumunod sila sa kanya at sinakop nila ang tawiran sa Ilog Jordan patungong Moab, at wala silang pinatawid doon ni isang tao.

29Nang araw na iyon, nakapatay sila ng sampung libong malalakas at matatapang na Moabita. Wala ni isang nakatakas sa kanila.

30Sinakop ng Israel ang Moab nang araw na iyon, at mula noon, naging mapayapa ang Israel sa loob ng walumpung taon.

31Si Shamgar na anak ni Anat ang sumunod kay Ehud bilang hukom. Iniligtas niya ang Israel sa mga Filisteo. Nakapatay siya ng animnaraang Filisteo gamit ang tungkod niyang pangtaboy ng baka.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.