13Kaya tinipon ni Sisera ang siyam na raang karwahe niyang yari sa bakal at ang lahat ng sundalo niya. At umalis sila mula sa Haroset-hagoyim papunta sa Ilog Kison.
14Sinabi ni Debora kay Barak, “Humanda ka! Ito na ang araw na pagtatagumpayin ka ng Panginoon laban kay Sisera. Pangungunahan ka ng Panginoon.” Kaya bumaba si Barak sa Bundok ng Tabor kasama ng sampung libo niyang sundalo.
15Nang lumusob na sina Barak, nilito ng Panginoon si Sisera at ang lahat ng kanyang mga karwahe at sundalo. Pagkatapos, tumalon si Sisera sa karwahe niya at patakbong tumakas.
16Hinabol nila Barak ang mga sundalo at ang mga mangangarwahe ni Sisera hanggang sa Haroset-hagoyim at nilipol ang mga ito. Wala ni isang natira sa kanila.
17Si Sisera naman ay tumakas papunta sa tolda ni Jael na asawa ni Heber, dahil magkaibigan si Haring Jabin ng Hazor at ang pamilya ni Heber na Cineo.