Mga Hukom 4

Sinabi ni Debora kay Barak, “Humanda ka! Ito na ang araw na pagtatagumpayin ka ng Panginoon laban kay Sisera. Pangungunahan ka ng Panginoon.” Kaya bumaba si Barak sa Bundok ng Tabor kasama ng sampung libo niyang sundalo.

Judges 4:14 (UKJV) And Deborah said unto Barak, Up; for this is the day in which the LORD has delivered Sisera into yours hand: is not the LORD gone out before you? So Barak went down from mount Tabor, and ten thousand men after him.

12Ngayon, may nakapagsabi kay Sisera na papunta si Barak sa Bundok ng Tabor.

13Kaya tinipon ni Sisera ang siyam na raang karwahe niyang yari sa bakal at ang lahat ng sundalo niya. At umalis sila mula sa Haroset-hagoyim papunta sa Ilog Kison.

14Sinabi ni Debora kay Barak, “Humanda ka! Ito na ang araw na pagtatagumpayin ka ng Panginoon laban kay Sisera. Pangungunahan ka ng Panginoon.” Kaya bumaba si Barak sa Bundok ng Tabor kasama ng sampung libo niyang sundalo.

15Nang lumusob na sina Barak, nilito ng Panginoon si Sisera at ang lahat ng kanyang mga karwahe at sundalo. Pagkatapos, tumalon si Sisera sa karwahe niya at patakbong tumakas.

16Hinabol nila Barak ang mga sundalo at ang mga mangangarwahe ni Sisera hanggang sa Haroset-hagoyim at nilipol ang mga ito. Wala ni isang natira sa kanila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.