Mga Hukom 4

Dahil sa sobrang pagod ni Sisera, mahimbing siyang nakatulog. Nang makita ni Jael na nakatulog na ito, kumuha siya ng martilyo at tulos ng tolda at dahan-dahang lumapit kay Sisera. Pagkatapos, ibinaon niya ang tulos sa sentido nito, gamit ang martilyo, hanggang sa bumaon ang tulos sa lupa, at namatay si Sisera.

Judges 4:21 (UKJV) Then Jael Heber's wife took a nail of the tent, and took an hammer in her hand, and went softly unto him, and stroke the nail into his temples, and fastened it into the ground: for he was fast asleep and weary. So he died.

19Sinabi ni Sisera kay Jael, “Pahingi ng tubig. Uhaw na uhaw na ako.” Kaya binuksan ni Jael ang balat na sisidlan ng gatas at pinainom si Sisera, at pagkatapos ay tinakluban siyang muli.

20Sinabi ni Sisera, “Tumayo ka sa pintuan ng tolda. Kapag may dumating at magtanong kung may ibang tao rito sabihin mong wala.”

21Dahil sa sobrang pagod ni Sisera, mahimbing siyang nakatulog. Nang makita ni Jael na nakatulog na ito, kumuha siya ng martilyo at tulos ng tolda at dahan-dahang lumapit kay Sisera. Pagkatapos, ibinaon niya ang tulos sa sentido nito, gamit ang martilyo, hanggang sa bumaon ang tulos sa lupa, at namatay si Sisera.

22Nang dumating si Barak na naghahanap kay Sisera, sinalubong siya ni Jael, at sinabi, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang taong hinahanap mo.” Pagpasok ni Barak sa tolda kasama ni Jael, nakita niya roon si Sisera na nakahandusay at patay na, at may tulos na nakabaon sa kanyang ulo.

23Nang araw na iyon, pinagtagumpay ng Diyos ang mga Israelita laban kay Haring Jabin na Cananeo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.