1Nang araw ding iyon, umawit si Debora at si Barak na anak ni Abinoam. Ito ang awit nila:
2“Purihin ang Panginoon! Sapagkat ang mga pinuno ng Israel ay nangunang lumaban at kusang-loob na sumunod ang mga mamamayan.
3“Makinig kayong mga hari at mga pinuno! Aawit ako ng mga papuri sa Panginoon, ang Diyos ng Israel!
4“O Panginoon, nang umalis kayo sa Bundok ng Seir, at nang lumabas kayo sa lupain ng Edom, ang mundoʼy nayanig at umulan nang malakas.