2“Purihin ang Panginoon! Sapagkat ang mga pinuno ng Israel ay nangunang lumaban at kusang-loob na sumunod ang mga mamamayan.
3“Makinig kayong mga hari at mga pinuno! Aawit ako ng mga papuri sa Panginoon, ang Diyos ng Israel!
4“O Panginoon, nang umalis kayo sa Bundok ng Seir, at nang lumabas kayo sa lupain ng Edom, ang mundoʼy nayanig at umulan nang malakas.
5Nayanig ang mga bundok sa harapan ng Panginoon, ang Diyos ng Bundok Sinai; oo, sa presensya ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.
6“Nang panahon ni Shamgar na anak ni Anat at nang panahon ni Jael, walang dumadaan sa mga pangunahing lansangan. Ang mga naglalakbay doon ay dumadaan sa mga liku-likong daan.