Mga Hukom 5

“Nang panahon ni Shamgar na anak ni Anat at nang panahon ni Jael, walang dumadaan sa mga pangunahing lansangan. Ang mga naglalakbay doon ay dumadaan sa mga liku-likong daan.

Judges 5:6 (UKJV) In the days of Shamgar the son of Anath, in the days of Jael, the highways were unoccupied, and the travellers walked through byways.

4“O Panginoon, nang umalis kayo sa Bundok ng Seir, at nang lumabas kayo sa lupain ng Edom, ang mundoʼy nayanig at umulan nang malakas.

5Nayanig ang mga bundok sa harapan ng Panginoon, ang Diyos ng Bundok Sinai; oo, sa presensya ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.

6“Nang panahon ni Shamgar na anak ni Anat at nang panahon ni Jael, walang dumadaan sa mga pangunahing lansangan. Ang mga naglalakbay doon ay dumadaan sa mga liku-likong daan.

7Walang nagnanais tumira sa Israel, hanggang sa dumating ka, Debora, na kinikilalang ina ng Israel.

8Nang sumamba ang mga Israelita sa mga bagong diyos, sumiklab ang digmaan sa pinto ng bayan. Ngunit sa apatnapung libong Israelita, ni isang kalasag o sibat man lang ay walang nakita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.