5Nayanig ang mga bundok sa harapan ng Panginoon, ang Diyos ng Bundok Sinai; oo, sa presensya ng Panginoon, ang Diyos ng Israel.
6“Nang panahon ni Shamgar na anak ni Anat at nang panahon ni Jael, walang dumadaan sa mga pangunahing lansangan. Ang mga naglalakbay doon ay dumadaan sa mga liku-likong daan.
7Walang nagnanais tumira sa Israel, hanggang sa dumating ka, Debora, na kinikilalang ina ng Israel.
8Nang sumamba ang mga Israelita sa mga bagong diyos, sumiklab ang digmaan sa pinto ng bayan. Ngunit sa apatnapung libong Israelita, ni isang kalasag o sibat man lang ay walang nakita.
9Nagagalak ang aking puso dahil sa mga pinuno ng Israel at sa mga Israelitang nagkusang makibahagi sa digmaang ito. Purihin ang Panginoon!